Wednesday, March 9, 2011

Field Trip...

Hindi ko malilimutan ang field trip na ito, sapagkat minsan ko palang ito naranasa. Subalit may aberyang naganap, dahil sa kulang ang sasakyan.  Nais kasi ng kabilang section na kami ay palipatin sa kabilang bus dahil ang bus daw na nasakyan namin ay sakanila. Nagalit pa nga ang kanilang guro sa amin, dahil hindi namin sila sinunod. Sinabihan pa nga kami ng "wala namang bastusan ng guro", eh hindi naman namin binanabastos ang guro nila ay. 

Subalit di kami nagpatinag sa kanila. Nanatili parin kami sa bus na aming 
sinasakyan. Lumipat ang iba naming mga kaklase upang mapagbigyan ang kabilang sectioon. 

Naging malungkot ang field trip na ito para sa amin. Nilibang nalamang namin ang aming sarili sa pamamasyal sa mall of asia, pagkatapos naming panoorin ang dulaang UP na Orosman at Zafira. 

Hai...naku! pero kahit papaano naranasan ko rin namang mag-field trip. hehehe... 

No comments:

Post a Comment