Tuesday, March 8, 2011

Pagpanaw ng Isang Kaibigan

Ilang taon na ang lumipas, subalit ang pangyayaring ito ay nanatiling sariwa sa aking isipan.

Buwan ng Oktubre 23, 2005 nang pumanaw ang isa sa aking matalik na kaibigan. Isang pangyayaring yumanig sa buo namning klase. Kasalukuyan kaming nag-aaral noon sa high school ng ito ay maganap.

Hindi ko lubos maisip ang sinapit na ito ng aking kaibigan. Namatay siya hindi dahil siya ay maysakit. Simpleng sakit ng ngipin ang ikina sawi ng kanyang buhay.

Bago siya namatay nais niyang makita man lang sana ang kanyang BF, ang sabi ng kanyang ina sa amin. Subalit ito`y hindi nataupad. Sa kagustuhan naming sumaya ang amning kaibigan kahit na siya`y wala na, nais naming matupad ang nais niyang magyari. Gabi ng kanyang burol, hinanap namin ang kanyang BF, nanagpuaan namin siya at sinabi namin na dalawin niya si Che. Pumayag naman siya, kaya naman umaasa kami na siya nga ay pupunta.

Subalit ang pangako ng BF niya ay hindi natupad, umasa lamang kami sa wala. Nailibing ang aming kaibigan na hindi man lang siya nakita ng kanyang BF. Nais naming sumbatan ang kanyang BF, ngunit wala na kaming magagawa, sapagkat kaalinsabay ng pagkamatay ni Che, ay hindi na namin nakita ang BF niya.

Masakit para sa amin na hindi namin nagawa ang kanyang kahilingan na hanggang ngayon iyon ay nanatiling sariwa sa aking isipan. Na sa tuwing sasapit ang Oktubre 23, naalala ko ang aking kaibigan na minsan ko ng nakasama ng matagal....

Sorry Friend...yan ang katagang palagi kong sinasabi sa tuwing naalala ko ang pangyayaring ito...

No comments:

Post a Comment